Umakyat na sa pito ang naitalang firecracker related incidents sa Region 2.

Batay sa datos ng Department of Health RO2, dalawa ang naidagdag sa limang kaso na naitala mula December 21 hanggang sa bisperas ng Bagong Taon.

Pawang mga lalaking edad 8 hanggang 12-anyos ang mga biktima kung saan ang anim na kaso ay mula sa probinsiya ng Cagayan at Isabela na nangyari sa kanilang tahanan at lansangan.

Sa naturang bilang ng mga biktima, isa dito ay kailangang putulin sa bahagi ng katawan na tinamaan ng paputok.

Ayon sa ahensya, nangyari ang insidente sa tahanan at lansangan habang wala namang naitalang kaso ng

-- ADVERTISEMENT --

stray bullet.