
Dalawang tao ang nasawi matapos matabunan ng lupa at bato sa Matnog, Sorsogon dahil sa malakas na ulan dulot ng Tropical Storm Ada.
Tumagal ng limang oras bago nakuha ng rescue teams ang mga katawan ng mga biktima.
Sa Catanduanes, nagdulot ng matinding baha at pagguho ng lupa ang ulan, na nagsara sa maraming kalsada sa Baras, San Andres, San Miguel, at Virac.
Pinasok naman ng baha ang mga paaralan at sementeryo sa Caramoan.
Nagsawa rin ng pre-emptive evacuation para sa mga residente sa high-risk areas sa Viga. May mga landslide rin na naiulat sa Camarines Sur.
Samantala, isinara ang ilang spillways sa Daraga, Albay dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig.
Nahirapan din ang mga motorista sa Guinobatan–Mayon Road dahil sa lumang lahar deposits, kaya nag-utos ang lokal na pamahalaan ng road-clearing operations.
Ayon sa Albay Provincial Social Welfare and Development Office (APSIMO), mahigit 11,000 katao sa walong lokalidad ang nailikas.
Patuloy ang monitoring ng mga lokal na pamahalaan sa mga apektadong lugar.
Batay sa ulat ng weather bureau nananatiling nasa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang apat na lugar sa Bicol bandang alas-8 ng gabi, habang bumagal ang galaw ni Ada sa Pandan, Catanduanes. Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na 85 km/h at pagbugsong umaabit sa 105 km/h.










