Arestado ang dalawang nagpapanggap na dentista matapos mahuli sa ikinasang magkahiwalay na entrapment operation ng mga pulis sa Baguio City.
Nahuli sa aktong gumagawa ng dental procedures ang mga suspek — kabilang na ang pagbunot ng ngipin, teeth cleaning, at paglalagay ng braces — kahit walang sapat na kwalipikasyon o lisensiya.
Ayon sa Philippine Dental Association, walang karapatang magsagawa ng anumang dental service ang dalawa.
Ang isa sa kanila ay walang sariling klinika at tila fly-by-night lang.
Samantalang ang isa pa ay pumupunta lang sa isang transient house sa Baguio kapag may nagpa-appointment.
Nagkakahalaga ng P1,000 hanggang P2,000 ang singil ng mga ito kada session.
Haharap ang dalawa sa kasong sa paglabag sa Philippine Dental Act, at posibleng madagdagan pa ito ng reklamong sakop ng Cybercrime Prevention Act dahil sa online bookings.
Nagpaalala naman ang mga awtridad na siguraduhing lisensyado ang pinupuntahang dentista para iwas disgrasya.