Dalawang dating miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa Cagayan ang matapang na humarap at isiniwalat ang kanilang mapait na karanasan sa nasabing grupo.

Sa isinagawang indignation rally kontra NPA, inihayag ni Brgy Capt. Mauricio Aguinaldo ng Barangay Balanni, Sto. Niño at dating execom ng grupong Kagimungan na ginagamit lamang ng rebeldeng grupo ang mga isyu sa lalawigan tulad ng black sand mining para makapag-recruit.

Isiniwalat pa ni Aguinaldo na ginagamit ng NPA ang mga legal na organisasyon upang makapag-recruit ng mga miyhembro.

Dagdag pa ni Aguinaldo, dalawang beses siyang nahikayat ng grupo na umanib sa samahan hanggang noong 2002 nang mahalal bilang Barangay Kagawad hanggang sa nagpasyang sumuko sa gubyerno dahil sa hirap ng buhay sa bundok.

Brgy Capt. Mauricio Aguinaldo

Pagsisisi rin ang naramdaman ni Jerry Cacal, dating miyembro ng Danilo Ben Command ng NPA na kumikilos sa West Cagayan, dahil sa kanyang pagiging aktibo ng tatlong taon sa kalakaran ng grupo.

-- ADVERTISEMENT --

Isa umano siya sa grupo na responsible sa pag-ambush at pagpatay sa limang alagad ng batas noong 2011 sa bayan ng Rizal, Cagayan.

Isiniwalat din ni Cacal na kina-kaibigan muna nila at idinadaan sa matatamis na paghikayat ang mga kabataan upang sumanib sa kanilang kilusan.

Vc

Jerry Cacal

Gayonman, nanindigan ang dalawang rebel returnee na walang magandang naidulot sa kanilang buhay ang pag-anib sa makakaliwang grupo.

Nanawagan din sila sa iba nilangg kasama na nalinlang ng NPA na sumuko na at mamuhay ng payapa kasama ang kani-kanilang pamilya at magkaroon ng maayos na hanapbuhay.

Ang isinagawang indignation rally ngayong araw ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-51 anibersaryo ng CPP-NPA sa bansa na layong ipakita ang kanilang pagkundena sa mga karahasan at iligal na gawain ng mga rebeldeng grupo.