TUGUEGARAO CITY-Ikinokonsiderang “severe cases” ang dalawa sa 15 suspected cases ng Covid-19 na kasalukuyang minomonitor sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) dahil sa hirap sa paghinga.
Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao , medical Center chief ng CVMC, maliban sa isang suspected case na 54-anyos na lalaki na mula sa Bayo, Iguig na nasawi,ngayong araw , mahigpit din nilang minomonitor ang dalawang indibiwal na nahihirapan sa paghinga.
Aniya, nilagyan na nila ng oxygen ang dalawang pasyente na mula sa Peñablanca at Solana dahil sa kanilang kondisyon.
Nilinaw naman ni Baggao na bago pa isinugod sa pagamutan ang namatay na pasyente ay inatake na ng kanyang sakit sa puso at hyper tension ngunit dahil hirap sa paghinga na isa sa mga sintomas ng virus kung kaya’t ikinonsiderang suspect case.
Minamadali naman ng pagamutan ang resulta ng swab test ng namatay na pasyente para malaman kung ito ay positive o hindi sa nakakahawang sakit.
Samantala, sinabi ni Baggao na nasa 20 confirmed cases ng covid-19 ang minomonitor sa CVMC kung saan 12 dito ay mula sa Cagayan partiular sa Brgy, Cataggaman Viejo na may apat na kaso, tatlo sa Reyes extension Brgy. Ugac Norte at tig-isa sa Brgy. Dalaoig ,Alacala; Brgy Buntun, tuguegarao City; Tuao at Brgy. Smart, Gonzaga habang anim ang mula sa Isabela at dalawa sa Kalinga.