
Nagbukas na ng dalawang spillway gate ang Magat Dam sa Isabela bilang paghahanda sa inaasahang matinding ulan na dala ng Super Typhoon Nando.
Ayon sa National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS), nakabukas ng apat na metro ang bawat gate at naglalabas ng humigit-kumulang 510 cubic meters per second (cms) na tubig.
Batay sa pinakahuling tala, nasa 186.06 meters above sea level (masl) ang water level ng reservoir.
Umaabot naman sa 754.44 cms ang outflow nito at 676.57 cms na inflow.