
Sinibak na sa serbisyo ang dalawang traffic enforcer ng Quezon City Traffic and Transport Management Department na nakunan ng video habang tumatanggap ng pera mula sa motorista.
Sa isang pahayag, sinabi ng QC-LGU na agad ipinatawag ang dalawang traffic enforcer at dumaan ang kanilang kaso sa masusing proseso at imbestigasyon.
Nakitaan ng sapat na batayan ang reklamo sa kanila,dahilan upang sila ay tanggalin sa serbisyo.
Nagpaalala si Mayor Joy Belmonte na walang puwang sa lungsod ang anumang gawain na taliwas sa mabuting pamamahala at tapat na paglilingkod.
Nanawagan ang alkalde sa publiko na makipagtulungan sa pamahalaang lungsod upang maisumbong ang matuwaling gawain o di magandang pag-uugaling ng mga lingkod bayan.
-- ADVERTISEMENT --










