
Boluntaryong sumuko ang dalawang nakatakas na bilanggo sa Tabuk City Police Station sa Tabuk City, Kalinga.
Ayon kay PCAPT Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office, sa tulong ng kanilang mga kamag-anak ay muling naibalik sa kulungan ang mga suspek na sina Andres Benito Jr., 35 anyos at si Michael Macagne, 39 anyos, kapwa magsasaka at residente ng naturang lungsod.
Pinag-aaralan na rin ng mga imbestigador ang posibleng karagdagang kasong isasampa laban sa dalawa dahil sa kanilang pagtakas maliban sa kasong kinakaharap na may kaugnayan sa iligal na droga at armas.
Matatandaang nakatakas ang dalawang akusado noong Enero 4, 2026 sa detention facility ng pulisya, kung saan pinutol nila ang metal railings ng kanilang selda gamit ang maliit na hacksaw blade na maaari nilang nakuha mula sa kanilang mga bisita.










