
Nakatakas sa detention facility ng Bureau of Immigration sa New Bilibid Prison ang dalawang South Korean fugitives, na nagbunsod ng manhunt.
Kinilala ng BI ang mga ito bilang sina Lee Jingyu, 32, na wanted sa drug smuggling, at Yang Heejun, 44, na wanted sa burglary at theft.
Natuklasan ang pagtakas sa routine inspection nang makita ang isang lubid na nakatali sa ward gate.
Agad na inilagay sa total lockdown ang pasilidad habang isinasagawa ang masusing paghahanap.
Nakikipag-coordinate ang BI sa Bureau of Corrections at NBI, at humingi si Viado ng tulong sa publiko sa paghahanap ng mga fugitives.
-- ADVERTISEMENT --









