Sangayon si Cagayan Valley Medical Center Chief Glenn Matthew Baggao sa desisyon ng Inter-Agency Task Force na isailalim sa dalawang linggong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lalawigan ng Cagayan.

Bagamat unti-unti nang bumababa ang bilang ng mga COVID-19 patients sa CVMC, sinabi ni Dr. Baggao na mataas pa rin ang kasalukuyang bilang nito na 121 mula sa mahigit 200 pasyente nitong mga nakaraang buwan.

Sa kabuuang kaso na 121 na pasyente sa CVMC, 112 dito ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan pinakamarami sa bilang ay mula sa Tuguegarao City na 61.

Bahagi ng pahayag ni Dr Glenn Matthew Baggao

Mahirap aniya ang lockdown kung kaya kailangan gampanan ng lahat ang kanilang parte sa pagsunod sa minimum health standards.

Naniniwala si Dr. Baggao na hindi nakakabuti ang pagpapatupad ng home quarantine sa pagkontrol ng pagkalat ng virus.

-- ADVERTISEMENT --

Paliwanag niya, nagiging sanhi ito ng malawakang community transmission sa mga lugar kung saan naitala ang matataas na kaso ng COVID-19.

Ipinunto niya na mahalagang maibukod sa isolation facility ang mga nagpopositibo sa halip na home quarantine.

Bahagi ng pahayag ni Dr Glenn Matthew Baggao