
Sa mga nakalipas na taon, naging kontrobetsyal ang tradisyonal na camel beauty contests dahil sa pagdami ng gumagamit ng cosmetic procedures para mapataas ang kanilang tsansa na manalo.
Sa Arab countries tulad ng Oman, isang malaking bagay sa kanila ang beauty contests ng mga camel.
Dinadala ng breeders mula sa malalayong lugar ang kanilang pinakamagandang camel para sa tsansa na makuha ang titulo na ‘most beautiful camel in the land,’ sabalit sa mga nakalipas na taon, nahaluan ito ng mga eskandalo dahil sa paggamit ng cosmetic enhancements.
Nitong nakalipas na buwan, 20 participants ang diniskuwalipika sa 2026 Camel Beauty Show Festival sa Al Musanaa, Oman matapos matuklasan ng venerinarians ang ginawang artificial enhancement sa mga nasabing hayop.
Kabilang sa mga ipinagbabawal na procedures na nadiskubre ay ang botox, lip fillers, silicon reshaping, at artificial hump inflation.
Mahalagang bahagi ng tradisyon sa Arab ang camel beauty contests.
Sa loob ng maraming siglo, nagsusumikap ang camel owners na mapaganda ang kanilang mga alaga para magkakaroon ng makintab na balahibo, magandang leeg, full lips, mahabang pilik-mata at matigas na humps sa pamamagitan ng selective breeding at grooming, subalit nitong mga nakalipas na taon, naging karaniwan na ang cosmetic enhancements.





