Tuguegarao City- Nasa 20 confirmed COVID-19 patients at isang suspected case ngayon ang kasalukuyang nasa pangangalaga ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Sa panayam kay Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief, 10 sa mga kumpirmadong kaso ang mula sa Cagayan at 10 din sa Isabela habang ang isang suspected cese ay mula naman sa Tabuk City, Kalinga.

Aniya nasa stable condition naman ang mga pasyente at kasalukuyan pang hinihintay ang resulta ng kanilang swab test.

Sinabi pa ni Dr. Baggao na natatagalan ang paglabas ng resulta sa mga pagsusuri dahil natambakan ng specimen ang testing center ng DOH Region 2.

Samantala, nakipagpulong aniya ang CVMC sa mga Municipal Health Offices sa Isabela upang pag-usapan ang pangangasiwa sa mga asymptomatic patients.

-- ADVERTISEMENT --

Bagamat naging maganda ang resulta ng pagpupulong ay karamihan aniya sa mga MHO sa Isabela ang nagpahayag na hindi pa handa dahil sa kakulangan ng pasilidad, kagamitan at mga staff na mangalaga sa mga pasyente.

Gayon pa man ay ipinasiguro naman ni Dr. Baggao na makikipagtulungan ang kanilang tanggapan upang tugunan ang pagkukulang ng bawat sangay para pa rin labanan ang banta ng COVID-19.

Maalalang unang nagpahayag ang CVMC kaugnay sa pagtanggap ng mga LGUs ng asymptomatic COVID-19 patients para sa reservation ng isolation failities ng CVMC sa mga pasyenteng nasa severe and critical conditions.VC BAGGAO JULY9b