TUGUEGARAO CITY-Nasa 20 Overseas Filipino Workers(OFW) mula sa Nueva Vizcaya ang nakatanggap ng livelihood assistance mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ayon kay Judy Mae Moreno ng OWWA, nakapasa sa screening ang mga nasabing OFW na nakatanggap ng tig-P20,000 na assistance sa ilalim ng “Balik Pinas, Balik Hanapbuhay” program ng ahensiya.
Aniya,gagamitin ang P20,000 na ibinigay sa bawat kwalipikadong OFW para sakanilang gustong livelihood project gaya ng pag-aalaga ng hayop at iba pang maaring pagkakitaan.
Kaugnay nito,sinabi ni Moreno na imomonitor ang livelihood project ng ahensiya sa mga nakatanggap na OFW para hindi masayang ang nasabing pondo.
Samantala, sinabi ni Moreno na muling magkakaroon ng screening ang mga umuwing distressed OFW para sa ayudang ibibigay sa nabanggit na programa.