TUGUEGAGARAO CITY- Nakakuha ng 20 improvised na mga kutsilyo sa isinagawang surprised “Oplan Galugad” ng Cagayan Provincial Jail sa jail extension sa Sanchez Mira, Cagayan.

Sinabi ni Catalino Arugay, OIC jail warden, bukod sa mga nasabing patalim ay may nakuha din silang mga gunting at baraha.

Ayon kay Arugay ang mga patalim at gunting ay ginagamit umano ng mga persons deprived of liberty sa kanilang livelihood.

Subalit sinabi niya na hindi dapat na itinatago ito ng mga PDL dahil sa posibleng gamitin ng mga ito na armas kung mayroon silang hindi pagkaunawaan sa mga kapwa nila PDL.

Dahil dito, sinabi ni Arugay na bilang disciplinary action ay inilalagay nila sa isolation ng ilang araw ang mga nahulian ng mga nasabing bagay at pinagsasabihan.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Arugay na wala namang nakuhang iligal na droga sa nasabing piitan.