Apektado ng mga pag ulan dulot ng bagyong Carina ang 20 indibidwal mula sa limang pamilya sa Camasi Penablanca.
Ayon kay Ruelie Rapsing head ng PDRRMO Cagayan, inilikas na ang mga ito sa evacuation center habang kinukumpirma pa sa bayan ng Solana ang naiulat na 383 families kung apektado ba ng pagbaha o pagguho ng lupa ang mga ito.
Kinansela na rin ang klase sa kindergarten hanggang grade 12 sa public and private schools sa Penablanca Cagayan.
Bukod sa naapektuhang pamilya ay hindi rin pwedeng daanan ng mga heavy trucks ang daanan sa Abariongan Road Sto.Nino gawa ng hindi pa ito naaayos at tanging light vehicles lamang ang pinapayagang dumaan.
Sa ngayon ay wala pa namang naitatalang pagtaas sa mga katubigan sa mga downstream area gaya ng Sta.ana at Gonzaga na nakararanasa ng moderate rains gayundin sa water level ng buntun bridge na 2 meters at malayo pa sa 6 meters na dahilan upang mag ooverflow naman ang pinacanauan bridge.
Samantala binabantayan rin ang overflow bridge sa bayan ng Tuao dahil tumaas ang tubig nito gayundin sa PAREC kung saan madalas na nagkakaroon ng problema dahil kapag tumaas ang tubig nito at nag overflow ay wala ng madadaanan sa maharlika highway ngunit dahil hindi pa tumaas ang cagayan river ay wala pang substantial rise sa water level at maaring bukas o kung tuloy tuloy ang pag ulan ay maikita na ang pagtaas nito.