Patay ang 20 katao at mahigit 450 ang nasugatan sa second wave ng mga pagsabog mula sa walkie-talkies sa Lebanon.

Ayon sa health ministry ng Lebanon, sumabog ang walkie-talkies na ginagamit ng armed group Hezbollah sa Beirut, sa Bekaa Valley, at southern Lebanon na strongholds umano ng nasabing armadong grupo.

Nangyari ang ilang pagsabog sa libing, kung saan 12 ang namatay matapos na sumabog ang pagers ng mga miyembro ng Hezbollah noong Martes.

Sinisi ng Hezbollah ang Israel sa nasabing pag-atake.

Wala namang inilabas na payahag ukol sa alegasyon ng Hezbollah.

-- ADVERTISEMENT --

Nangyari ang mga nasabing pag-atake matapos na ihayag ng defense minister ng Israel na magkakaroon ng bagong yugto ng giyera kasabay ng muling pag-deploy sa mga sundalo sa hilagang bahagi ng bansa.