Kabuuang 20 ang namatay bunsod ng sama ng panahon buhat noong September 11.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa nasabing bilang ng mga namatay, siyam ang mula sa Mimaropa, habang tig-apat ang naitala sa Western Visayas at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Dalawa naman ang naitala sa Zamboanga Peninsula, habang isa sa Central Visayas.

Gayonman, isasailalim pa sa validation ang mga ito.

Ayon pa sa NDRRMC, 14 ang nananatiling nawawala, habang 11 ang nasugatan.

-- ADVERTISEMENT --

Nasa halos 63,000 katao sa 12 na rehion ang naapektohan ng bagyong Ferdie at Gener at ng habagat.

Lumabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ferdie noong Sept. 14 habang kaninang umaga naman si Gener.