Dalawampung pasahero na pauwi sa isla ng Calayan at karatig na isla ang stranded sa bayan ng Claveria dahil sa epekto ng Bagyong Crising.

Ayon kay PCG ACTING COMMANDER CAPT Rolando Lorenzana ng COAST GUARD DISTRICT NORTH EASTERN LUZON, ang lahat ng mga apektadong pasahero ay pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kaanak sa bayan ng Claveria.

Mahigpit aniyang ipinatutupad ng PCG ang no sail policy sa lahat ng sasakyang pandagat at pinagbabawalan pa rin ang mga mangingisda na pumalaot.

Tiniyak naman ni Lorenzana na patuloy na nakamonitor ang mga PCG personnel na nakadeploy sa Cagayan, Batanes, Isabela at Aurora.

Sa ngayon ay wala namang naitalang maritime related incidents ang coast guard base sa ulat ng mga coast guard station kaugnay sa bagyo.

-- ADVERTISEMENT --