Ligtas na nakabalik sa bayan ng Claveria, Cagayan ang 11 pasahero kabilang ang dalawang bata at siyam na crew ng tumaob na motorbanca sa karagatan sa pagitan ng Sanchez Mira at Fuga island, Cagayan.

Sinabi ni Coast Guard Ensign Lamie Manglugay, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard District North Eastern Luzon na agad na nagsagawa ng rescue operation ang PCG at Philippine Maritime matapos na may tumawag tungkol sa pagtaob ng nasabing bangka.

Ayon kay Manglugay, light to moderate naman ang alon sa dagat nang umalis ang motorbanca subalit nang makarating malapit sa Fuga Island ay nakasalubong nila ang malalaking alon.

Sinabi niya na papunta sana sa isla ng Calayan ang mga pasahero.

Ito na ang ikalawang motorbanca na tumaob ngayong linggo sa Cagayan kung saan ang una ay nangyari sa Camiguin Island.

-- ADVERTISEMENT --