TUGUEGARAO CITY-Ipinasakamay na ngayong araw, Nobyembre 18,2020 sa simbahan ang 400 sako ng bigas na tig-50 kilos na bigay ng Bombo Radyo Philippines Foundation para sa mga naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela.
200 sako ng bigas ang ibinigay ng Bombo Radyo Philippines Foundation,Inc sa Bombo Radyo Tuguegarao habang 200 cavans sa Bombo Radyo Cauayan.
Ang Bombo Radyo Tuguegarao ay dinala sa Saint Vincent Ferrer Parish Church sa bayan ng Solana kung saan ang simbahan na ang bahalang tumukoy at mamahagi ng nasabing bigas sa mga beneficiaries.
Ang nasabing bigas ay superwhite na may magandang kalidad.
Upang mas marami ang mabibigyan ng nasabing bigas ay I-rerepack ito sa tig-5 kilos.
Ang halaga nasabing 400 sacks ng bigas ay P636,000.
Ang pamamahagi ng bigas ng Bombo Radyo Philippines ay bahagi ng social responsibility nito sa mga panahon ng kalamidad at hindi lang ang paghahatid ng mga balita.