Tuguegarao City- Inaprubahan na ng Sanguniang Panlalawigan ang annual budget ng probinsya para ngayong taong 2021.
Sa panayam kay Vice Governor Melvin Boy Vargas Jr., nasa mahigit P3.40B ang pondong nakapaloob sa ipinasang annual budget na magagamit ng provincial government sa lahat ng programa nito.
Aniya, ang pagkakapasa nito ay dumaan sa masusing pag-aaral at kalakip din ang mga rekomendasyong paglalaanan ng mga programa na nakabatay sa obserbasyon sa pangangailangan ng probinsya sa kasalukuyang sitwasyon.
Kabilang dito ang pondong nakalaan sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.
Kaugnay nito nagpasa rin aniya ng ordinansa ang Sanguniang Panlalawigan upang magkaroon ng systematic vaccination plan ng probinsya para sa maayos na distribusyon nito.
Dagdag pa rito ang pondo sa pagbili ng mga personnal protective equipment at iba pang maaaring gamitin sa pagtugon sa COVID-19.
Nakasaad din aniya rito ang pondo para sa programang pang edukasyon, scholarship program, pagtutok sa programang pang agrikultura, imprastraktura, tulong sa mga LGUs at iba pa.