Umarangkada na ang pinagsanib na face-to-face at online competition para sa 4-day 2021 Philippine National Skills Competition ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Nasa 400 delegado sa buong bansa ang maghaharap sa ibat-ibang kumpetisyon na gaganapin sa National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Region 4A at Region 2.
Ayon kay TESDA RO2 Director Archie Grande, sinimulang inilunsad sa NCR ang aktibidad nitong Lunes na nilahukan ng ibat-ibang regional offices sa buong bansa sa pamamagitan ng online platform.
Ang mga delegado naman mula sa Cordillera, Regions 9, at 3 ay nasa Region 2 ngayon na maglalaban-laban sa kategorya ng joinery para sa Construction and Building Technology Sector, cabinet making, renewable energy at web technology.
Nasa kabuuang 20 competitors naman ang delegado mula sa Region 2 na sasabak sa ibat-ibang skills competition.
Ang mga mananalo sa naturang kompetisyon ay ang magiging kalahok ng Pilipinas sa 46th WorldSkills Competition na gaganapin sa Shanghai, China.