Hiniling ni Governor Manuel Mamba sa mga miyembro ng Sanguniang Panlalawigan ng Cagayan na magsagawa ng special session ngayong araw at sa mga susunod pang ‘working days’ upang talakayin ang annual budget ng probinsya.

Sa panayam sa gobernador, matagal nang naisumiti ang committee report ng proposed annaual budget ng probinsya nitong nakaraang taon at mayroon sana silang sapat na oras upang ito ay mapag-aralan hanggang nitong Disyembre 2021 ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito naipapasa.

binigyan diin niya na higit na apektado dito ang mga Cagayano dahil maraming mga nasasayang na oras upang maipatupad ang mga programa at proyekto tulad ng no municipal/barangay left behind program, infrastructure projetcs at iba pa.

Panawagan nito sa mga miyembro ng Sanguniang Panlalawigan na seryosohin ang pagkakapasa ng budget dahil ito ay makatutulong sa pag-unlad sa probinsya at maging sa mga residente lalo pa at madadagdagan ito dahil sa implimentasyon ng mandanas ruling.

Sa ilalim ng Local Government Code ng 1991 ay nakasaad na may kapangyarihan ang mga local chief executives na magpatawag ng special session upang pag-usapan ang anumang hakbang na dapat ipatupad ng pamahalaan para sa kapakanan ng publiko.

-- ADVERTISEMENT --