photo credit: DA -r02

TUGUEGARAO CITY-Nasa 20,000 sako na ng abono ang naipamahagi ng Department of Agriculture (DA)-region 02 sa mga kwalipikadong magsasaka sa rehiyon.

Batay sa datos ng DA-Region 02, umabot na sa 20,998 na sako ng abono ang naipamahagi sa 7,688 na magsasaka mula sa 15 bayan sa Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya.

Ayon kay Dr. Marvin Luis,Regional Coordinator sa rice program ng ahensiya, ang ibinahaging tulong ay dahil sa pakikipag-ugnayan ng Local Government Units (LGUs, farmers cooperative and association sa ilalim ng rice resiliency program.

Kaugnay nito, nanawagan si Luis sa mga magsasaka na hindi pa naaabutan ng tulong na maghintay lamang dahil tuloy-tuloy ang kanilang pamamahagi ng abono.

Labis naman ang pasasalamat ng mga magsasaka sa natanggap dahil malaking tulong ito lalo na ngayong panahon ng krisis na dulot ng covid-19 pandemic.

-- ADVERTISEMENT --