TUGUEGARAO CITY-Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang 21-anyos na lalaki matapos mabangga ng isang sasakyan sa bayan ng lal-lo, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyang binabaybay ng suspek na si Ragie Ramos, 39-anyos residente ng Brgy. Centro 9 sa bayan ng Aparri ang kahabaang ng Brgy. Magapit sa bayan ng Lal-lo nang biglang tumawid ang biktima na si Ramil Llapitan ng Brgy. Dalaya.

Sinubukang iwasan ng suspek ang biktima pero dahil sa bilis ng pangyayari ay nabangga pa rin ang lalaki.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima na agad namang isinugud sa pagamutan ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umasikasong duktor.

Sa ngayon, hawak na ng PNP-Lal-lo ang suspek maging ang kanyang sasakyan.

-- ADVERTISEMENT --