TUGUEGARAO CITY-Nasa maayos nang kondisyon ang 21 estudyante ng Don Severino Pagalilauan National High School ng Peñablanca, Cagayan matapos sapian ng umano’y masamang espiritu sa loob ng kanilang eskwelahan, kaninang umaga.

Ayon kay Galye Zannett Luyun, school principal ng Don Severino Pagalilauan National high school, nitong nakaraang Lunes ng unang sapian ang isang estudyante na nasundan ng dalawa nitong Martes.

Dahil dito, pinatawag ni Luyun ang kanilang pari para magsagawa ng misa at pagbabasbas sa mga silid aralan.

Ngunit, ilang minuto lamang ang nakalilipas matapos ang misa ay muling nagkagulo ang kanilang mga estudyante nang magkakasunod na nasapian ang 21 estudyante kasama ang unang nasapian nitong Lunes at Martes na pawang kababaihan.

Sinabi ni Luyun na hustisya ang isinisigaw ng mga estudyanteng nasapian .

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabila ng nasabing pangyayari, sinabi ni Luyun na tuloy parin ang klase at hindi siya magkakansela ng pasok sa kanilang eskwelahan.

Samantala, hinimok naman ni Pastor Claynor Cadang ang mga estudyante at mga guro na magtiwala sa diyos at huwag kalimutang ituro ang salita ng Diyos para mailayo ang mga masamang espiritu. / with reports from Bombo Eliseo Collado at Bombo Efren Reyes Jr