Nakapagtala ang Department of Health ng mahigit 200 katao na bagong kaso ng nagpositibo sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw sa Cagayan Valley region.

Sa datos ng DOH- Cagayan Valley Center for Health Development noong Sabado, March 27, pumalo na sa 10.5% o katumbas ng 11,976 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Region 2 matapos madagdagan ng 215 na panibagong kaso.

Sa ngayon, nasa 1,506 o katumbas ng 12.57% ng kabuuang bilang ng mga aktibong kaso o yung mga nagpapagaling o ginagamot pa sa sakit na halos mga asymptomatic at mild na kaso.

Nasa 10,234 o katumbas ng 85.45% naman ang kabuuang bilang ng gumaling na sa sakit matapos madagdagan ng 190, habang 1.90% o 228 ang namatay.

Nangunguna naman ang lalawigan ng Cagayan sa may pinakamaraming aktibong kaso ng sakit sa bilang na 577; sinundan ng Isabela sa 575; Santiago City, 166; Quirino, 124; Nueva Vizcaya, 62; habang nanatili sa dalawa ang aktibong kaso sa lalawigan ng Batanes.

-- ADVERTISEMENT --