Hindi na nakauwi ng buhay sa kanyang pammilya ang isang 22-anyos na magsasaka matapos na tamaan ng kidlat sa kasagsagan ng malakas na ulan at pagkulog-pagkidlat sa Barangay Dugpa kahapon ng hapon.

Ayon sa mga barangay officials ng Dugpa, nasa maisan ang biktima at kanyang kuya na 24-anyos nang magpasiya sila na umuwi na dahil sa masamang panahon.

Nauuna umano sa paglalakad ang biktima at sumusunod naman ang kanyang kapatid nang tamaan siya ng kidlat.

Agad na sumakloklo ang kanyang nakatatakdang kapatid, subalit maging siya ay nangisay.

Sinabi ng mga barangay officials na dahil sa hindi na nakayanan ng 24-anyos na maglakad, gumapang siya ng nasa 50 metro para humingi ng tulong sa kanyang tiyuhin.

-- ADVERTISEMENT --

Dead on the spot ang kanyang nakababatang kapatid, habang isinugod sa pagamutan ang kanyang kuya, na ngayon ay nasa Intensive care Unit.