TUGUEGARAO CITY-Nasa 22 confirmed cases ng Covid-19 ang kasalukuyang minomonitor sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Sa bagong datos na ibinahagi ni Dr. Glenn Mathew Baggao. Medical Center Chief ng CVMC, mula sa nasabing bilang 17 dito ay mula sa Cagayan at lima sa isabela.

Sa Cagayan, sampu rito ay mula sa Tuguegarao City kung saan tatlo ay mula sa brgy. caritan Norte at Tig-isa sa Brgy. Buntun, Bagumbayan, centro 9, centro 1 , Atulayan Norte at Cataggaman Nuevo

Karagdagang dalawang pasyente ay galing sa Dugo, Camalanuigan, tatlo sa Solana at tig-isa sa Sta Maria, Lal-lo at Tallungan, Aparri.

Mula sa limang pasyente na galing sa Isabela, tig-isa rito ay mula sa Sto Domingo, Echague; San Antonio, Roxas;Nagbukel, San Isidro; San Juan, Delfin Albano at San Mateo, Tumauini.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, labing isa naman ang suspected cases ang kasalukuyang minomonitor sa naturang pagumatan kung saan walo rito ay mula sa Cagayan partikular sa Tuguegarao City na may tatlo, Alcala na may dalawa at tig-isa sa Ballesteros ,Solana at Amulung west at tatlo mula sa Isabela.