Nasa 22 katao ang napatay sa pag-atake ng Israel sa northern Gaza, ayon sa emergency responders.

Ito ay sa gitna ng pagpapaigting ng Israel sa kanilang military operations sa nasabing lugar, kung saan naglabas ito ng abiso sa paglikas ng mga sibilyan at pagharang sa food supplies.

Samantala, sinabi ng Israeli military na nagpakawala ang Hezbollah ng mahigit 300 na projectiles sa Israel mula sa Lebanon ngayong araw na ito.

Kaugnay nito, pinalawak ng Israel ang evacuation warnings sa mahigit 10 na karagdagang lugar sa southern Lebanon.

Dahil dito, muling isinulong ng punong ministro ng Lebanon ang ceasefire.

-- ADVERTISEMENT --

Sa Iran naman, inabisuhan ng bansa ang Estados Unidos na gaganti ito laban sa mga bagong pag-atake ng Israel.

Nakikipag-ugnayan rin ang pamahalaan ng Iran sa mga bansa sa Middle East para sa mabilis na diplomatic efforts upang mapahupa ang sitwasyon at kung mabibigo ay nanawagan ito na protektahan ang kabisera ng kanilang bansa.