Sisimulan ng 22-strong delegation ng Team Philippines ang kanilang kampanya sa Paris Olympics 2024 Summer Games bukas, July 27.
Makikipagpaligsahan ang Pilipinas sa maraming events sa siyam na sports-athletics, boxing, fencing, gymnastics, golf, judo, rowing, swimming, at weightlifting sa Paris, France para na mula July 27 to August 11, oras sa Pilipinas.
Ang Team Philippines ay kakatawanin ng mga sumusunod na atleta sa Paris Olympics:
EJ Obiena (athletics, pole vault)
Lauren Hoffman (athletics, 400m hurdles)
John Cabang Tolentino (athletics, 110m hurdles)
Carlo Paalam (boxing)
Nesthy Petecio (boxing)
Eumir Marcial (boxing)
Hergie Bacyadan (boxing)
Aira Villegas (boxing)
Carlos Yulo (gymnastics)
Emma Malabuyo (gymnastics)
Aleah Finnegan (gymnastics)
Levi Ruivivar (gymnastics)
Bianca Pagdanganan (golf)
Dottie Ardina (golf)
Samanthan Catantan (fencing)
Kiyomi Watanabe (judo)
Jarod Hatch (swimming)
Kayla Noelle Sanchez (swimming)
Joanie Delgaco (rowing)
Elreen Ando (weightlifting)
John Ceniza (weightlifting)
Vanessa Sarno (weightlifting)
Sina boxers Nesthy Petecio at Carlo Paalam, kapwa silver medalists sa Tokyo ang mangunguna para sa Pilipinas sa Parade of Nations sa opening ceremony ng Paris Olympics na isasagawa sa Seine River.
Magsisimula ang opening ceremony sa 1:30 a.m., oras sa Pilipinas sa July 27.