PHOTO CREDIT : CAGAYAN POLICE PROVINCIAL OFFICE

TUGUEGARAO CITY-Naabutan ng mga alagang biik ang 23 pamilya sa probinsya ng Cagayan sa pamamagitan ng “project biik” ng Cagayan police Provincial Office (CPPO).

Ang project biik o Benipisaryong Ihahandog para sa Indigent sa komunidad ng CPPO ay isa sa programang pangkabuhayan ngayong taon.

Inilunsad ng CPPO sa pangunguna ni Pcol. Ariel Quilang ang director ng Cagayan-PNP ang naturang proyekto na may layuning mapagkalooban ng pangkabuhayan ang mga mahihirap na pamilya lalo na ang mga local livestock hog raisers upang magkaroon ng karagdagang kita sa panahon ng pandemya.

Ang proyekto ay ipapatupad sa lahat ng himpilan ng pulisya sa lalawigan pero pansamantalang hindi naipapatupad sa ilang bayan dahil sa banta ng African Swine Fever (ASF)

Tiniyak naman ni Col. Quilang na magpapatuloy ang naturang proyekto katuwang ang iba pang stake holders at volunteers para sa karagdagang pangkabuhayan ng mga mamamayan sa lalawigan.

-- ADVERTISEMENT --