Tampok sa graduation ceremony sa middle school sa Massachusetts, USA ang 23 pares ng kambal, maging ang isa na ang kanyang kambal na nag-aaral sa ibang eskuwelahan.
Ang eight grade graduationg class sa Pollard Middle School sa Needham ang pinakamaraming kambal na dumalo sa isang graduating class.
Ibig sabihin, ang bilang ng mga ito ay 46 at idagdag pa ang isa na nasa ibang lugar ang kanyang kambal mula sa 454 graduating students.
Sinabi ng principal ng eskuwelahan na si Tamatha Bibbo na nakakatuwa na mayroon silang 23 pares ng mga kambal na nagtapos.
Nasurpresa din ang mga graduating twins nang malaman nila na karaniwan pala ang kambal sa kanilang eskuwelahan.
-- ADVERTISEMENT --