
Sa edad na 24, isang batang opisyal mula Catanduanes ang humawak sa malaking responsibilidad matapos italaga bilang bagong hepe ng Tayasan Municipal Police Station.
Si Police Lieutenant Angel Claire Sorrera, tubong Virac, Catanduanes, ay kabilang sa PNPA Silang-Paglaom Class of 2026 at nagtapos bilang Top 23 sa kanyang batch.
Bago ang bagong assignment, nagsilbi siyang deputy chief of police ng Valencia Municipal Police Station, na nagsilbing paghahanda sa mas mabigat na tungkulin sa Tayasan.
Pinalitan ni Sorrera si Police Captain Arturo Marfil III, na na-relieve bilang hepe kaugnay ng pagpapatupad ng one-strike policy ng Philippine National Police laban sa illegal gambling.
Sa murang edad, haharap ngayon si Sorrera sa hamon ng pagpapanatili ng peace and order, pagpapatupad ng batas at pagsugpo sa kriminalidad at iba pang ilegal na aktibidad sa Tayasan.
Mula sa pagiging Top 23 PNPA graduate hanggang sa pagiging hepe ng isang municipal police station sa edad na 24, nakatakdang subukin ang kanyang liderato, kakayahan at paninindigan sa kanyang bagong tungkulin.




