TUGUEGARAO CITY-Isinailalim sa livelihood training ang mga drug surrenderees bilang bahagi ng kanilang rehabilitation para maging responsableng mamamayan sa Bayombong, Nueva Vizcaya.
Ayon kay PCol Ranser Evasco, Provincial Director ng PNP-Nueva Vizcaya, 24 na drug surrenderees mula sa apat na bayan sa nasabing lalawigan ang nabigyan ng skills training may kinalaman sa mushroom production.
Sinanay ang mga ito ng kapulisan katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Bueno Integrated farm, isang accredited learning site for agriculture ng Department of Agriculture.
Sinabi ni Evasco na inorganisa ng Provincial Community Affairs and Development Unit ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office ang naturang pagsasanay kung saan bahagi ito ng 26th Police Community Relations Month Celebration.
Dagdag pa nito na isinailalim din ang mga surrenderees sa community based training sa layuning mabago ang mga ito mula sa kanilang dating masamang gawain.