Tuguegarao City- Naaresto ang 25 akusado sa isinagawa na namang “one time, bigtime” operation ng PNP Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PCAPT Sharon Malillin, tagapagsalita ng PNP Cagayan, kabilang sa mga naaresto ay ang top 8 most wanted sa regional level na may kasong carnapping sa Camalaniugan.
Arestado rin si Marion Ganoy sa Aparri na kasama sa high value target ng PNP sa kasong paggamit ng marijuana.
Sa bayan naman ng Sto. Ninio ay sumuko sa mga otoridad ang isang miyembro ng Milisya ng Bayan sa katauhan ni Carlito Lagada.
Bukod dito, nakapagtala rin ng accomplishment ang PNP Pamplona, Piat, Ballesteros, Tuao, Rizal, Buguey, Lasam, Aparri, Alcala, Sta. Praccedes.
Ang OTBT ng PNP Cagayan ay ikinasa noong ika-24 ng Enero at matatapos naman sa araw ng Martes ika-28 ng Enero ngayong taon.