
Inaasahan na makakaranas ng malalakas na ulan ang 25 lugar sa Luzon at Visayas sa Linggo, batay sa pinakahuling paabiso ng state weather bureau.
Ang mga lugar na posibleng makaranas ng malalakas na lugar ang mga sumusunod sa November:
(100-200 mm):
Isabela,
Aurora,
Quezon,
Camarines Norte,
Camarines Sur,
Catanduanes
(50-100 mm):
Apayao,
Kalinga,
Mountain Province,
Ifugao,
Batanes,
Cagayan,
Quirino,
Nueva Vizcaya,
Nueva Ecija,
Bulacan,
Rizal,
Laguna,
Albay,
Sorsogon,
Masbate,
Northern Samar,
Eastern Samar,
Samar,
Biliran
Ibinabala ang impact ng malalakas na ulan lalo na sa mabundok o matataas na lugar.
Dahil dito, inaabisuhan ang mga kaukulang disaster risk reduction and management offices na magpatupad ng mga paghahanda para protektahan ang mga buhat at mga ari-arian.
Lumakas pa si Fung-Wong at isa na itong severe tropical storm, habang Northeast Monsoon ang nakakaapekto sa Extreme Northern Luzon.
Ang Fung-Wong ay nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at huling namataan sa layong 1,525 kilometro silangan ng hilagang-silangang Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong hangin na hanggang 115 kilometro kada oras.
Mabagal ang pagkilos ng bagyo na 10 km/h, kaya mas malaki ang tsansa na lalo pa itong lumakas sa mga susunod na oras.
Malakas na ang bagyo sa sandaling pumasok na ito ng PAR, na inaasahan mamayang hatinggabi o bukas ng umaga, at tatawagin itong “Uwan.”
Habang nasa Philippine sea sa susunod na mga oras at araw, posibleng lalo pa itong lumakas at maging isang super typhoon habang ito ay nasa Philippine Sea at bago mag-landfall.










