TUGUEGARAO CITY-Natanggap na ng 26 na dating kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang tulong pinansiyal mula pamahalaan sa bayan ng Bontoc, Mt. Province.
Ipinagkaloob ang tig-P20,000 na tulong mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) sa tulong ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development at ng Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Gagamitin ng mga dating rebelde ang nasabing halaga sa pagpapatayo ng negosyo at pangkabuhayan na iginawad mismo ni DSWD Usec. Rene Glenn Paje kasama ang Provincial Government ng Mt.Province sa pangunguna ni Gov.Bonifacio Lacwasan at ng 503rd Infantry Brigade na pinamumunuan naman ni BGen Henry Doyaoen.
Ayon kay Bgen Laurence Mina, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army, nakahanda ang pamahalaan upang tulungan ang mga mamamayan na nalinlang ng CPP-NPA.
Inihahanda ang kahalintulad na tulong na ipagkakaloob sa mga dating NPA na bumalik na sa pamahalaan.with reports from Bombo Marvin CAngcang