
Patay ang 26 na turista matapos silang pagbabarilin sa isang resort sa Indian-controlled-Kashmir.
Inakusahan ng pulisya ang mga militante na lumalaban sa India sa nasabing pag-atake sa Baisaran meadow.
Bukod sa mga namatay, mahigit 30 ang nasugatan sa nasabing karahasan.
Sinabi ni Omar Abdullah, isang opisyal sa nasabing rehion, ito ang pinakamatinding pag-atake sa mga sibilyan sa loob ng ilang taon na kaguluhan.
Ayon sa mga awtoridad, nasa apat na militante ang nagsagawa ng malapitang pamamaril sa maraming turista.
Karamihan sa mga namatay na mga turista ay mga Indian.
Wala pang umaako sa nasabing karahasan, habang nagsasagawa na ng pagtugis ang mga pulis at mga sundalo sa mga nagsagawa ng pag-atake.
Binigyang-diin ni Amit Shah, home minister ng India na ipapataw ang pinakamabigat na parusa sa mga responsable sa nasabing karahasan.
Pinutol naman ni Indian Prime Minister Marendra Modi ang kanyang dalawang araw na pagbisita sa Saudi Arabia at bumalik na ngayon sa kanilang bansa.