Nasa 27 panibagong kaso ng Delta Variant ang naitala ng Department of Health sa Cagayan Valley o Region 2.
Batay sa ulat, nakapagtala ng tig-isang kaso ang mga bayan ng Alcala, Allacapan, Baggao at Tuao sa lalawigan ng Cagayan.
Naitala naman ang limang kaso sa bayan ng Cabarroguis at tatlo sa bayan ng Diffun sa lalawigan ng Quirino.
Pinakamarami sa mga bagong kaso ay naitala sa lalawigan ng Isabela kung saan tatlong kaso sa Santiago City, tig-dalawa sa mga bayan ng Cabagan at Ramon, tig-isa naman sa lungsod ng Cauayan, Alicia, Echague, Jones, Quezon, San Agustin, San Guillermo at San Isidro.
Ayon sa ahensya, pawang local cases at fully recovered na rin ang mga ito maliban sa kaso ng San Isidro at isa sa Santiago City na naitalang pumanaw mula sa sakit.
Patuloy naman ang ginagawang case investigation at contact tracing activities ng Special Action Team ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit sa tulong ng Rural Health Units at Local Government Units.