cagayan valley medical center

TUGUEGARAO CITY-Negatibo na sa pangalawang swab test laban coronavirus disease (covid-19) ang isa sa dalawang frontliners na nagpositibo sa virus sa lalawigan.

Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng CVMC, natanggap nila ang resulta ng swab test ni PH8636, nurse sa naturang pagamutan,kahapon kasabay ng resulta ng mga suspected patients kung saan lima ang nagnegatibo mula sa 33 suspected patients.

Asymptomatic naman ang isa pang nagpositibo sa virus na isa ring frontliner habang hinihintay ang resulta ng kanyang pangalawang swab test.

Sa ngayon, 28 suspected at isang positive patient ng covid-19 ang kasalukuyang minomonitor ng CVMC.

Muli namang nagbigay ng paalala si Dr. Baggao sa publiko na huwag magpakampante sa kabila ng pagbaba ng kaso ng covid-19 sa lalawigan sa halip ay sumunod sa mga alituntunin tulad ng pagsusuot ng face mask, pagpapanatili ng social distancing at panatilihing malinis ang katawan.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Dr. Glenn Mathew Baggao

Sang-ayon si Baggao na I-extend o palawigin pa ang general community quarantine (GCQ) para makontrol pa rin ang paglabas ng mga residente sa kanilang mga tahanan.

Aniya, hindi nakikita ang virus at maaring ang carrier nito ay asymptomatic na posibleng dahilan ng pagkalat lalo na kung tuluyan ng papayagang ang mga residente lumabas sa kanilang mga tahanan.

Samantala,umaasa si Baggao na sa lalong madaling panahon ay matatanggap na ang Department of health (DOH)-region 2 ang kanilang lisensiya para makapagsimulang magsagawa ng test sa mga specimen ng mga covid-19 patients sa rehiyon matapos i-aapruba para maging testing center.