TUGUEGARAO CITY-Nasa 29,132 family food packs ang handang ipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)- Region 2 para sa mga apektado ng lindol sa Itbayat, Batanes.

Ayon kay Chester Trinidad , tagapagsalita ng DSWD-Region 2,bagamat hindi pa nagre- request ang Local Government Unit(LGU)-Itbayat, nakapagpadala na ang kanilang tanggapan ng 100 family food packs sa tulong ng air force para sa preemptive measure.

Aniya, mahigit dalawang libong residente ang apektado ng lindol sa nasabing bayan na nangangailangan ng agarang tulong.

Sinabi ni Trinidad, sa ngayon, mayroon pang-stock ang Itbayat na 24 na sako ng bigas, 55 na delata at 200 family food packs na nakahanda nang ipamahagi.

Nagbigay narin ang kanilang tanggapan maging ang probinsiya ng Isabela ng mga tents na siyang gagamitin ng mga apektadong pamilya dahil hanggang ngayon ay takot parin ang karamihan na bumalik sa kanilang mga tahanan dahil sa pangamba ng aftershocks.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod sa food packs, sinabi ni Trinidad na magbibigay din burial assistance sa mga namatayan, transportation at medical assistance, sa tulong narin ng Department of Health (DOH).

Magpapadala rin ang DSWD ng anim na social welfares para magbigay ng psycho social intervention sa mga naapektuhang pamilya.

Samantala, sinabi ni Trinidad na magsasagawa ng assessment ang kanilang tanggapan sa mga kabahayan para maipadala ang report sakanilang central office at mabigyan ng emergency shelter fund ang mga pamilyang naapektuhan ng lindol.