Muling namahagi ng tulong sa liblib na lugar sa bayan ng Pamplona ang 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng Project Tulay Ako bilang suporta sa NTF ELCAC.

Ayon kay PMaj. Florentino Marallag Jr, Deputy Force Commander ng 2nd PMFC, napagkalooban ng libreng communal comfort room, patubig at solar lights ang mga komunidad sa Isla Paraiso na isang tourist area sa Brgy Nagtupakan.

Nasa 20 pamilya sa naturang isla ang makikinabang sa naturang programa na unang nakitaan ng pulisya ng kakulangan ng mga palikuran.

Sinabi ni Marallag na tuluy tuly ang naturang proyekto upang masiguro ang seguridad ng pamayanan at maiwasan ang ilegal na aktibidad o kriminalidad sa lugar.

Nauna na rin nakatanggap ng pagkilala ang PMFC sa National Police Commission ngayong taon sa pagkakasungkit sa 2nd place sa National Level para sa Best Practice Award sa ilalim ng naturang proyekto.

-- ADVERTISEMENT --