Muling nakasungkit ng gintong medalya si Pinoy gymnast Carlos Yulo sa vault final ng Paris Olympics 2024.

Nangibabaw si Yulo sa mga nakaharap nito kung saan mayroong nakuhang 15.433 points mula sa unang vault jump niya at 14.800 naman mula sa ikalawang jump.

Nagtala si Yulo ng kasaysayan dahil siya lamang ang atletang Pilipino na nakakuha ng dalawang gintong medalya sa isang Olympics.

Magugunitang ntiong Sabado ng gabi ng makuha ni Yulo ang gintong medalya sa floor exercise.