pctto.

Tuguegarao City- Muling inalerto ng Department of Agriculture (DA) Region 2 ang mga local at provincial government sa rehiyon matapos maitala ang 2nd wave ng African Swine Fever sa anim na bayan sa Isabela.

Sa panayam kay Narciso Edillo, Regional Executive Director ng DA Region 2, nasa mahigit 400 na baboy ang isinailalim na sa culling operation.

Ang mga baboy ay galing sa mga bayan ng Luna, Ramon Aurora, Roxas, Quezon at Mallig, Isabela.

Paliwanag nito, maaaring nagmula sa infected na slaughter house sa bayan ng Raniag, Ramon ang muling pagkalat ng virus sa mga alagang baboy sa mga nasabing lugar.

Dahil dito ay patuloy ngayon ang contact tracing at nagbigay siya ng direktiba sa mahigpit na monitoring sa mga inilatag na checkpoints sa mga entry and exit point ng bawat probinsya.

-- ADVERTISEMENT --

Ito ay upang mabantayan ang mga pork products na pumapasok sa bawat probinsya sa region 2.

Maalalang unang sinabi ng DA Region 2 na hinihintay na lamang ang 90 days bago ideklarang ASF Free ang lambak ng Cagayan matapos ang ilang buwan na walang napaulat na kaso ng sakit ng mga baboy.