Tinaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang 2.3 percent hanggang 3.1 percent na inflation rate ngayong buwan ng Disyembre.
Ayon sa BSP, ito ay bunsod na rin ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pagkain dahil sa pananalasa ng sunod-sunod na bagyo nitong mga nakalipas na buwan.
Sinabi ng BSP na ang forecast range ay mas mabilis sa 2.5 percent inflation print nitong buwan ng Nobyembre.
Para naman sa buong 2024, inaasahan ng BSP ang 3.2 percent na inflation rate.
Ayon sa BSP, ang full year average inflation ay pasok pa rin sa inflation target na 2 percent hanggang 4 percent para sa 2024.
-- ADVERTISEMENT --
Nakatakdang ilabas ng Philippine Statistics Authority ang official inflation figures para sa Disyembre sa January 7, 2025.