PHOTO CREDIT: TUGUEGARAO CITY INFORMATION OFFICE

TUGUEGARAO CITY-Isinailalim sa 14-day Zonal Containment Strategy ang tatlong apartment sa Barangay Caritan Sur dito sa lungsod ng Tuguegarao matapos makapagtala ng positibong kaso ng covid-19.

Batay sa executive order no. 20 na nilagdaan ni Mayor Jefferson Soriano, nagsimula ang lockdown noong Pebrero a-dos na magtatagal hanggang ika-15 ng kaparehong buwan.

Nabatid na tatlo ang naitalang nahawaan ng sakit sa ang mga apartment sa zone 1 ng naturang barangay kung kaya’t ikinonsidera itong critical zone.

Kaugnay nito, pinayuhan ng alkalde ang mga iba pang naninirahan sa lugar na sumunod sa mga nakalatag na protocols at manatili lamang sa kanilang apartment.

Naglagay na rin ng barikada sa entrance at exit point na babantayan ng mga barangay officials at kapulisan upang matiyak na nakakasunod ang mga residente sa mga alituntunin bilang pag-iingat sa virus.

-- ADVERTISEMENT --