PHOTO CREDIT:BAGGAO INFORMATION OFFICE

TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ang Office of the Civil Defense (OCD)-Region 2 ng landslide sa tatlong Barangay sa bayan ng Baggao matapos makaranas ang rehiyon ng tuloy-tuloy na buhos ng ulan.

Ayon kay Michael Conag ng OCD-Region 02, ang tatlong Barangay ay kinabibilangan ng Dalin, Dalla at Asinga via kung saan isang bahay ang nasira.

Nasa maayos naman na kalagayan ang dalawang indibidwal na nakatira sa naturang bahay na residente ng Brgy. Asinga Via dahil nakapagsagawa ng pre-emptive evacuation ang mga opisyal ng Local Government Unit(LGU)-Baggao bago ang pagguho ng lupa.

Sa ngayon ,sinabi ni Conag na hindi pa rin madaanan ang ilang tulay kasama na ang Bagunot overflow bridge sa bayan ng Baggao dito sa probinsya ng Cagayan, Cabagan-Santa Maria overflow bridge at Alicaocao bridge sa Isabela maging ang Pinacanauan Nat Tuguegarao road dito sa lungsod ng Tuguegarao.

Dahil dito, pinayuhan ni Conag ang mga motorista na iwasan munang dumaan sa mga nabanggit na tulay at kalsada para makaiwasa sa anumang insidente.

-- ADVERTISEMENT --