Hindi pa rin pinapayagan ng lokal na pamahalaan ng Tinglayan sa Kalinga ang mga turista dahil pa rin sa COVID-19.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Lorraine Ngao-I, tourism officer ng Kalinga na sarado pa rin ang kilalang local tourist attractions sa Buscalan kagaya ng sikat na mambabatok na si Apo Whang-Od.

Sinabi ni Ngao-I na tatapusin muna ang vaccination ng tatoo artist bago buksan sa turismo ang naturang bayan para sa kaligtasan ng lahat.

Nanatili namang bukas para sa mga turista na fully vaccinated ang Tabuk City, Tanudan at Rizal.

Ang mga turistang fully vaccinated ay kailangan lamang magpakita ng kanilang vaccination card at valid goverment issued Identification card.

-- ADVERTISEMENT --

Base sa datos, tumaas ang tourist arrival sa Kalinga noong 2021 na umabot sa halos 140,000 turista matapos buksan ang turismo sa ilang bayan.

Kaugnay nito, umaasa si Ngao-I na mabubuksan na rin sa lalong madaling panahon ang iba pang bayan para sa turismo upang manumbalik na ang negosyo ng mga indigenous sa kanilang mga souvenirs.

Samantala, kasabay ng selebrasyon ng 27th Founding Anniversarry ng Kalinga ay bukas na simula ngayong araw hanggang Feb 27 ang Kalinga Treasures Trade Fair.

Tampok sa naturang aktibidad ang mga Kalinga products na matatagpuan sa harapan ng St Williams Cathedral.