
Naghain ng not guilty plea ang dating engineers ng Bulacan First District Engineering Office na sina Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, kasama ang cashier na si Christina Pineda, sa kanilang graft case sa Sandiganbayan nitong Miyerkules.
Na-postpone ang arraignment ng isa pa nilang co-accused na si Arjay Domasig dahil wala siyang abogado.
Ang kaso ay may kinalaman sa umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.









